6 shots ng COVID-19 vaccine aksidenteng naiturok sa isang babae sa Italy

Nakalabas na sa pagamutan ang 23-anyos na babae matapos itong maturukan ng anim na doses ng Pfizer BioNTech Covid-19 vaccine.

Ayon sa report bagama’t wala naman umanong naramdaman ang pasyente minabuti ng mga otoridad na i-confine muna sa isang hospital sa Tuscany, Italy ang babae upang ma-obserbahan.

Inihayag ni Daniella Gianelli, tagapagsalita ng Noa hospital binantayan nila ang immune system ng babae dahil sa ‘massive dose’ ng bakuna.

Paliwanag ni Gianneli aksidenteng nailagay ng health workers sa isang syringe ang katumbas ng 6-shots COVID-19 vaccine at naiturok sa pasyente.

Huli na umano nang mapagtanto na health workers ang kanyang kamalian kung saan natapos itong naibigay sa babae.

Sa ngayon sinabi ni Gianelli na iniimbestigahan na ang naturang insidente at naniniwala itong ‘human error’ lamang ang nangyari at hindi sinasadya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *