60 days price freeze, ipinatupad kasabay ng deklarasyon ng state of calamity sa bansa dahil sa asf

Ipinatupad ng Department of Trade and Industry ang prize freeze kasabay ng proclamation No. 1143 o ang deklarasyon ng isang taong State of Calamity sa bansa dahil sa African Swine Fever.

Ito ang kinumpirma ni DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, epektibo ang 60 days price freeze noong May 10, 2021 alinsunod sa RA 7581 kung saan ang mga presyo ng basic necessities ay hindi maaring taasan sa loob ng 60 na araw.

Dagdag pa nito, bagaman ASF ang dahilan ng State of Calamity ay hindi lamang mga produktong karne ng baboy ang kabilang sa price freeze kundi maging ang mga manufactured products na sakop ng DTI-Isabela at produktong pang-agrikultura ng Department of Agriculture.

Tiniyak naman ni Dir. Singun na babantayan ng DTI-Isabela ang mga produktong sakop ng ahensya upang masiguro na sumusunod ang mga business establishment sa panuntunan ng DTI.

Photo| DTI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *