60 mga bagong miyembro at mga bagong halal na opisyal ng Integrated Bar of the Philippines Albay Chapter, ipinakilala

LEGAZPI CITY – Pormal nang ipinakilala ang 60 mga bagong muyembro at mga bagong halal na opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Albay Chapter.

Ito ay pinangunahan ni IBP Albay Chapter President Atty. Ma. Edelyn A. Zaragoza-Vintura. Sa isinagawang seremonya, nagbigay ng mensahe ang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Atty. Annalyn Sherry F. Hibo-Gamboa, IBP Governor ng Bicolandia.

Sinabi ni Gamboa na ang korte ang dapat na last resort, para sakaniya, ang tagumpay ay kung paano bibigya ninuman ng depinisyon at hindi palaging nangangahulugan ng mga pagpapawalang-sala o conviction, kundi ito ay nakikita kapag ang katarungan ay naihatid kahit sa pinakamahirap na paraan.

Dumalo rin sa nasabing seremonya ang mga abogadong nahalal na sa IBP Albay at iniluklok ni Judge Elmer M. Lanuzo, Executive Judge, RTC, Legazpi City.

Sinundan ito ng pagpirma sa mga libro ng mga miyembro bilang simbolo ng kanilang pagiging bahagi at ang kanilang commitment sa opisyal na organisasyon ng mga lawyer sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *