60% ng mga COCs na-canvassed sa unang araw ng canvassing sa pagka-Presidente at VP

Umabot na sa 105 mula sa 173 certificates of canvass (COCs) ang natapos nang mabilang ng dalawang sangay ng kongreso na tumatayo bilang National Board of Canvassers para sa pagka-Presidente at bise-Presidente.

Ang naturang bilang ay bumubuo sa halos 60% ng mga COCs na kailangan bilangin ng NBOC.

Pansamantala naman sinuspendi ang joint joint committee session bandang alas-11 ng gabi, 13 oras matapos nitong buksan ang canvassing alas-10 ng umaga noong Martes.

Batay sa pinakahuling canvass ng mga boto, nanguna sa bilangan sa pagkapangulo si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na may mahigit 24 million votes o 58.88% ng kabuuang bilang ng mga boto.

Kasunod niya si Vice President Leni Robredo na may 11.4 million votes at Sen. Manny Pacquiao na may 2.9 million votes.

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na running mate ni Marcos Jr., ang nangunguna sa vice presidential race na may mahigit 24.1 million votes, na kumakatawan sa 60.88% ng canvassed votes.

Magpapatuloy naman ituloy ang canvassing ng mga boto sa ganap na alas-9 ng ngayong umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.