60 years old na babae, nakuha pang mangholdap at magpanggap na may bomba sa isang bangko sa Michigan

NAISAHAN ng isang 60 years old na lola ang isang bangko sa Clinton, Township sa Michigan matapos nitong magpanggap na may bomba at tuluyan na manakawan ang nasabing bangko.

Hindi umano inakala ng mga tao at empleyado ng naturang bangko na manghoholdap si lola. Nang pumasok ito dala dala ang kanyang bag inakala lamang ng bank teller na ito ay magtatanong lamang ngunit  nang ito ay lumapit sa kanya, saka nito sinabi na may bomba siyang dala sa kanyang bag.

Matapos na sabihin ni lola ipinakita niya sa bank teller ang laman ng kanyang bag saka inutusan itong ibigay sa kanya ang pera na agad namang tinugon nito dahil sa sobrang takot.

Nang makuha ng lola ang mga pera agad itong tumakbo palabas at sumakay sa sasakyan na naghihintay sa kanya subalit aksidente namang nabitawan ang hawak- hawak nitong bag.

Nang inspeksyunin ito ng mga otoridad doon napag-alaman na hindi ito bomba dahil dalawang can lang naman pala ng spaghetti sauce ang mga ito.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *