600 bakuna vs ASF, planong angkatin ng pamahalaan sa Vietnam

Nasa 600 bakuna kontra African Swine Fever ang planong angkatin ng pamahalaan sa bansang Vietnam.

Sa press briefing, sinabi ni BAI assistant director Arlene Vytiaco, hiniling na nila sa  Food and Drug Administration (FDA) na i-certify ang Vietnam-made African swine fever (ASF) vaccine para sa agarang pamamahagi nito sa bansa.

Ang planong pag-aangkat ng bakuna ay makaraang maging matagumpay ang trial test ng bakuna sa ilang baboy sa Luzon.

Umaasa ang opisyal na agad na maglalabas ng CPR ang FDA dahil maraming bansa ang naghihintay din ng mga supply nito.

Hanggang nitong June 1,  mayroong 15 probinsya sa bansa  ang may aktibong kaso ng ASF.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *