Pinagpapaliwanag ng Commission on Election o COMELEC ang nasa animnaraang mga kandidato sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay dahil sa posible umanong paglabag sa election offense.
Nakapagpadala na umano sila ng humigit-kumulang 400 show cause order laban sa halos 400 indibidwal at pinagpapaliwanag ang mga ito kung bakit hindi sila dapat ma diskwalipka o kasuhan.
Mayroon na ring ipapadalang 200 pang showcause order ang poll body.
Sinabi ni Garcia na ang mga reklamo ay ihahain ng Comelec task force laban sa kandidato, at idiniin na ang mga nagrereklamo ay hindi kailangang maghain ng mga protesta mismo.