600 tricycle driver sa Cauayan City, makatatanggap ng financial assistance

Makakatanggap ang nasa 600 na tricycle driver ng lungsod ng Cauayan ng Financial Assistance sa ilalim ng COVID 19 Adjustment Measures Program ng Department of Labor and Employment at Provincial Government of Isabela.

Ito ang kinumpirma ni PESO Manager Designate Joycelyn Tagundando sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Tagundado, nasa 600 umano ang inilaan na slot ng DOLE at PGI sa lungsod ng Cauayan para sa mga TODA.

Subalit hindi pa umano sigurado na ang lahat ng nasa nag-apply sa naturang ayuda ay makukuha dahil dadaan pa umano ito sa screening na papangunahan ng DOLE.

May mga ilan na umano kasing mga tsuper ang una nang nakatanggap ng ayuda kaya’t beberipikahan lahat ng mga nakapagsubmit ng kanilang aplikasyon.

Ito ay pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan katuwag ang DOLE bilang pagbibigay ng tulong pinansyal sa manggagawang labis na naapektuhan ng pandemya.

Wala pang tiyak na araw kung kailan isasagwa ang naturang screening kasabay ng pamamahagi ng ayuda sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *