6,043 new COVID-19 cases; Death toll, lampas na sa 24K

Tumaas ang kabuoang bilang ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas sa 1,378,260, matapos maitala ang 6,043 na mga bagong infections.

Kaugnay nito, isang laboratoryo lang ang bigong makasumite ng kanilang report on time.

Ayon sa Department of Health (DOH), bahagyang tumaas naman ang active cases sa bansa sa 51,410, kung saan 90.6% sa mga ito ay nakaranas ng mild symptoms, 4.5% ang asymptomatic, 2.0% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Inanunsyo rin ng DOH na 4,486 pang mga pasyente ang nakarekober mula sa respiratory illness, dahil para umakyat ang total recoveries sa 1,302,814, habang 108 naman ang naitalang bagong fatalities dahilan para sumipa ang death toll sa 24,036. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *