61 na may cleft conditions, sumalang sa libreng operasyon ng Operation Smile Philippines

Umabot sa 61 na mga pasyente na may cleft conditions (bingot, sungi o ngongo) ang nakapasa sa screening at sumailalim sa libreng operasyon ng Operation Smile Philippines sa Narra Municipal Hospital.

Ang mga batang pasyente ay mula sa mga munisipyo sa lalawigan ng Palawan na sumadya sa Narra para samantalahin ang pagkakataon na maoperahan .

Unang naglunsad ng libreng operasyon ang OSP sa mga bayan ng Taytay, Brooke’s Point at sa Aborlan.

Ang Operation Smile Philippines ay sinuportahan ng Rio Tuba Nickel Mining Corp. (RTN), Coral Bay Nickel Corp. (CBNC), Narra Municipal Hospital, Provincial Government, LGU Narra, Narra, katuwang ang Security Bank.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *