61% sa bilang ng may HIV/AIDS sa Naga City ay male-to-male sex contact- City Hygiene Clinic

NAGA CITY –Mas mataas ang tyansa na magkaroon ng HIV/AIDS ang mga kabataang lalaki  ayon sa talaan ng Naga City Hygiene Clinic.

Ang pinakabatang may HIVAIDS ay 19 taong gulang.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra, ang head ng hygiene clinic,  napag-alaman na ngayong Mayo apat ang nag positibo at lahat ay mga lalaki. May dalawang babae noong Abril

Batay sa kanyang paliwanag, nakikipag-usap sila sa mga magulang, sa mga teachers pati na rin sa mga estudyante kaugnay ng ginagawa nilang regular na HIV AIDS Awareness Program sa mga barangay at mga paaralan.

Ang pagbibigay ng tamang oras at tamang pagmamahal sa mga anak, isa sa mga posibleng paraan para maiiwas ang mga kabataang maagang makipag relasyon lalo na ang mga lalaki sa kapwa lalaki.

Sa datus nina Guevarra 61% ng naitala nilang kaso ay male-to-male sex contact o pakikipag relasyon sekswal sa kapwa lalaki.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *