62 anyos na lalaki, na-hit and run umano- sugatan!

Sugatan ang isang 62 anyos na lalaki matapos na masagi di umano ng isang pick-up pero sa halip na tulungan ay hindi ito hinintuan ng drayber.

Nakilala ang biktima na si Anicieto Selirio Sedigo Sr.ng brgy.san manuel sa Puerto Princesa.

Ayon rito, lulan siya ng isang besikleta bandang alas-syete ng umaga nitong Lunes, March 6 sa Junction 1 at patungo sana sa Rizal Avenue bago mangyari ang aksidente.

Sa lakas ng kanyang pagtumba ay nagtamo ito ng sugat sa braso at binti at hinala nya ay isang pick up vehicle ang nakasagi sa kanya na mabilis umalis sa pinangyarihan.

Samantala, sinamahan ng Brigada si ginoong Anicieto sa 911 center ngunit bigo na makita sa CCTV ang insidente.

Gayunpaman, iniimbestigahan na ng Police station 1 ang nangyari sa matanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *