63rd Birth Anniversary ni dating DILG Sec. Robredo, ginugunita ngayong araw; trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong Camarines Sur suspendido kaugnay ng founding anniversary

NAGA CITY- Ginugunita ngayong araw ang ika-63 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government  (DILG) Sec. Jess Robredo.

Si Robredo ay kilala sa kaniyang “Tsinelas Leadership”. Hinangaan ang kaniyang sistema ng pag-gogobyerno hindi lamang sa lungsod at sa bansa kundi sa buong mundo; pamamahalang pinakikinggan ang boses ng mga residente sa pagbalangkas ng mga programa, ordinansa at mga reporma.

Noong nabubuhay pa , sinabi nitong “Hindi po ibig sabihin na ang matino ay mahusay. Hindi po ibig sabihin na ang mahusay ay matino. Ang atin pong sukat: matino at mahusay.” Kabilang din sa mga tumatak ay ang kalahalagan ng karakter ng isang lider.

Dahil sa pandemya simple ang okasyon sa Jesse M. Robredo Museum.

Samantala suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan ng Camarines Sur, kasama rito ang Naga kahit pa independent City at ang lungsod ng Iriga. Ito ay nakaangkla sa Republic Act 9410, o paggunita sa Foundation Anniversary ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *