63 pirasong na ibat-ibang uri ng puno ng kahoy na rekober sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Inabadona ang 63 na pirasong ibat-ibang uri ng puno ng kahoy sa Purok 1, Brgy. Inascan bayan ng Guinobatan, Albay.

Ayon sa report, gabi ng humingi ng tulong sa pulisya ang mga tauhan ng CENRO Guinobatan sa pangunguna ni Crisanto Mendina (Forester 1) hinggil sa mga inabandonang paltik ng kahoy na nadiskubre ng ilan nilang tauhan o forest ranger sa kahabaan ng nabanggit na lugar.

Kaagad namang tumungo sa lugar ang mga tauhan ng pnp personnel ng Guinobatan MPS upang e-verify ang insedente.

Nang mapuntahan ng mga awtoridad ay dito na tumampad sa kanila ang animnapu’t tatlong (63) pirasong na ibat-ibat uri na kahoy na may kabuuang na 700.00 board feet.

Ayon pa dito hindi rin matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek dahil sa iniwan ng mga ito ang mga kahoy.

Ang mga narekober ay agad na dinala sa CENRO Guinobatan, Albay para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *