64 bags ng dugo nalikom sa ‘Dugo para sa Kabrigada’ bloodletting activity ng BNFM-Sorsogon

Umabot sa 64 bags ng dugo ang nalikom sa ginanap na ‘Dugo para sa Kabrigada’ bloodletting activity ng Brigada News FM Sorsogon na isinagawa nitong Sabado sa SM City Sorsogon.

Kabilang sa mga nakilahok sa aktibidad ang iba’-ibang unit ng PNP, Philippine Army, mga fraternities, mga pribadong indibidwal at iba pang mga walk- in blood donors na nakapakinig sa panawagan para sa aktibidad.

Nakatuwang ng Brigada News FM Sorsogon sa matagumpay na aktibidad ang SM City Sorsogon, Sorsogon City Health Office, Bicol Regional Blood Center, Sosogon Kahimanwa Eagles Club, Actsafe Health & Environmental Corporation Luzon at mga individual sponsors kabilang si Atty. Joel Fulgueras at Vice Mayor Eric Dioneda.

Ang Dugo para sa Ka-Brigada ay isang taunang aktibidad ng Brigada Group of Companies na sabay- sabay na isinasagawa sa lahat ng key areas na may Brigada News FM stations bilang tulong sa lahat ng mga kababayang nangangailangan ng dugo sa buong bansa.

Sa kabuuan, umabot ng halos 1 million cc ng dugo sa buong Pilipinas ang nalikom sa simultaneous bloodletting activity ng Brigada News FM nitong Sabado, April 29, 2023.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Brigada Group sa lahat ng mga nakatuwang sa taunang aktibidad na layuning makapagdugtong buhay sa mga Ka-Brigada kung saan tema nito ang “Dugtong-buhay, Dugo i-alay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *