6,560 pang COVID-19 cases, nakadagdag sa active infections sa 47,996

Nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 6,560 na mga bagong kaso ng coronavirus disease, dahilan para tumaas ang total tally sa 1,524,449.

Sa case bulletin ng Department of Health, lumalabas na ang active cases sa bansa ay tumaas ng 47,996 mula sa 46,806 na naitala noong July 20.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos sa COVID-19 system.

Mula sa total active cases, 92.1% ang mild, 18% ang asymptomatic, 1.6% ang kritikal, 2.6% ang severe at 1.84% ang moderate.

Samantala, 32 pang pasyente ang nasawi dahil sa naturang sakit, dahilan para umakyat ang ang fatality tally sa 26,874, habang ang total recoveries ay sumipa sa 1,449,579, matapos na gumaling ang 5,364 pang pasyente. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *