66 dengue cases naitala sa buong Camarines Sur sa loob ng halos 2 linggo

NAGA CITY- 66 ang dengue cases na nairecord sa Camarines Sur kasama na ang sa Naga City simula Hulyo 17 hanggang Hulyo 30, 2022 o halos dalawang linggo. Ito ay base sa huling tala ng Department of Health Bicol na inilabas kahapon.

Ang bilang ay pinakamarami sa Bicol Region sa nasabing panahon, mas mataas ito kumpara noong 2021 na may 15 lamang. Ayon sa Entomologist na si John Dominic Bolunia ang Naga ay may pinaka mataas na kaso sa lalawigan na hindi nito nabanggit kung ilan ang eksaktong bilang.

Mula Enero,  1, 014 na ang dengue cases sa Region 5, Red Classification na ang Camarines Sur , hindi pa ito alarming pero pagbibigay diin ni Bolunia huwag nang maghintay na mangyari ito bago seryosong aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *