66% ng mga bakunang unang dumating sa Bicol, naiturok na sa mga frontliners

BICOL—Nasa 66 na porsyento na ng mga bakunang unang natanggap ng Bicol region ang naiturok na sa mga front liners sa rehiyon na kabilang sa priority list.

Katumbas ito ng 41,017 doses ng kabuuang 62,500 doses ng bakunang dumating sa rehiyon mula sa una hanggang ikaapat na batch.

Batay sa pinakahuling COVID-19 Vaccination Rollout update ng Department of Health (DOH), hanggang kahapon ng umaga, Abril 29, nasa 90% na ng kabuuang 38,500 doses ang naiturok para sa first dose o katumbas ng 34,747 doses.

26% naman ang naiturok para sa second dose o 6,270 sa kabuuang 24,000 doses.

Sa anim na lalawigan sa rehiyon, ang lalawigan ng Camarines Sur ang siyang may pinakamaraming doses na natanggap na nasa 16,714.

Sinundan ito ng Albay na may 12,762; Sorsogon na may 11,826; Masbate na may 11,098; Camarines Norte na may 6,110 at Catanduanes na may 3,990.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ng DOH na hindi pa rito kasama ang nasa 67,000 doses ng Coronavac na dumating sa rehiyon kahapon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *