69% ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Bicol region, naiturok na

BICOL—Umabot na sa 69% ng mga bakunang natanggap ng Bicol region ang naiturok na sa mga nasa priority groups sa iba’t-ibang vaccination centers sa Bicol region.

Base sa pinakahuling vaccination statistics ng Bicol Center for Health Development, 143,173 ng kabuuang 206,580 doses ng mga bakuna ang administered na.

120,040 nito ay para sa first dose habang 86,540 ang sa second dose.

Ang Albay, Sorsogon, Catanduanes at Camarines Norte ay isandaang porsyento nang naipamahagi ang mga bakunang para sa first dose habang nasa 98% naman sa Camarines Sur at 90% sa Masbate.

Sa kabuuan, 98% nang distributed ang mga bakunang nakalaan para sa first dose sa buong rehiyon habang 29% pa lang ang naituturok para sa second dose o katumbas ng 25,215 doses ng kabuuang 86,540 na nakalaan para rito.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *