6k ‘tourist police’, ide-deploy para sa ‘Oplan Ligtas Kapaskuhan 2022’

Ilang araw bago sumapit ang buwan ng Disyembre, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa ‘Oplan Ligtas Kapaskuhan 2022’.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP na sa mga susunod na araw ay asahan na ang pagdami ng mga pulis na naka-deploy o nakakalat sa ilang matataong lugar.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Partikular aniyang idedeploy ang mga pulis sa malalaking palengke, malalaking malls, mga terminals, paliparan at iba pang transport hub.

Tiniyak naman ng PNP na maglalagay sila ng mga police assistance desk sa mga nasabing lugar bilang paghahanda nga sa pagdagsa ng maraming tao ngayong holiday season.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Bukod dito, sinabi rin ni Fajardo na dahil kapag ganitong panahon ng Kapaskuhan ay dinadagsa ang mga tourist spot sa bansa, magdedeploy din sila ng mahigit sa 6,000 tourist trained police.
#