7 biyahero na nagtangkang pumuslit papasok ng Catanduanes kahit walang travel documents, naharang ng PCG at MDRRMO

BICOL—Pitong indibidwal nanaman na nagtangkang lumusot papasok ng Catanduanes ang nasabat kahapon ng Philippine Coastguard at MDRRMO sa karagatang sakop ng Brgy. Esperanza, bayan ng San Andres, nasabing lalawigan.

Ayon sa report, nag e-edad 17 anyos hanggang 60-anyos ang mga nasabat na pasahero at lulan ang mga ito ng isang bangkang de motor.

Nang sitahin ang mga ito ng mga otoridad at hanapan ng travel documents ay wala ang mga itong na i-presenta. Napag-alamang lima sa mga ito ang residente ng Brgy. Buenavista sa islang bayan ng Rapu-rapu, Albay habang ang dalawa ay residente ng San Miguel at Viga.

Bilang aksyon, pinabalik ng PCG ang limang mga residente mula sa Albay kasama ang kanilang bangkero habang ang dalawang residente naman ng Catanduanes ay pinaiwan ngunit kinailangan ng mga itong isailalim sa antigen test.

Matatandaang nitong nakalipas na buwan ng Mayo ay dati nang nakakapagtala ang mga border control personnel sa Catanduanes ng mga pasaway na biyaherong nagpupumilit na makapasok sa lalawigan sakabila ng paalala ng Provincial IATF na tanging ang mga APOR at essesntial travelers lamang muna ang pinahihintulutang makapasok sa islang probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *