7 deaths, 179 new cases, 100 recoveries sa COVID-19 sa Bicol ngayong araw

BNFM BICOL—Pumalo na sa 9,535 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 179 na bagong kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng camarines Sur na may 65 kung saan 20 nito ay mula sa Naga City, 14 sa bayan ng Pili, anim sa bayan ng Canaman, apat sa bayan ng Magarao, tigtatlo ang Libamanan at Nabua, tigdadalawa ang mga bayan ng Balatan, Bula, Goa at Minalabac at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Calabanga, Gainza, Milaor, Ocampo, Sagñay at Tinambac.

38 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan 13 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, walo sa bayan ng Daraga, tigtatlo ang bayan ng Libon at lungsod ng Ligao, tigdadalawa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Malilipot at lungsod ng Tabaco at tig-iisa ang mga bayan ng Guinobatan, Pio Duran at Tiwi.

34 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate kung saan 15 nito ay mula sa Masbate City, sampo sa bayan ng Balud, tatlo sa bayan ng Mobo, dalawa sa bayan ng Mandaon at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Cataingan, Esperanza at Uson.

19 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Labo, tatlo sa bayan ng Basud, tigdalawa ang bayan ng Sta. Elena at Vinzons at isa sa bayan ng Mercedes.

16 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan siyam nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Juban at Pilar at tig-iisa ang mga bayan ng Donsol, Matnog at Sta. Magdalena.

Anim na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng San Andres, dalawa sa bayan ng Virac at isa sa bayan ng Caramoran.

Habang may isang kaso naman na nagmula sa labas ng Bicol, galing ito sa Tagkawayan, Quezon.

Sa ngayon nasa 2,937 (30.80%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Pitong pagkasawi naman ang nadagdag kung saan apat nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon at tig-iisa ang Albay, Camarines Norte at Camarines Sur. Dahil dito pumalo na sa 334 (3.50%) ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa sakit sa rehiyon.

Samantala, 100 panibagong recoveries ang naitala ngayong araw kung saan 50 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur, 41 sa Sorsogon at siyam sa Catanduanes. Dahil dito, pumalo na sa 6,264 (65.69%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa Bicol.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *