7 drug affected barangays sa Masbate, idineklarang drug-cleared; 14 na ‘unaffected’ barangays, sertipikado nang drug-free

SORSOGON CITY – Dagdag na pito pang drug affected barangays ang idineklara ng PDEA-Masbate bilang drug-cleared habang ang 14 na ‘unaffected’ barangays ang sinertipikahan nang drug-free.

Sa ulat, lahat ng candidate barangays na nagmula sa lalawigan ng Masbate ay tinasa at sinala ng miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing na pinamumunuan ni Regl Director Atty Gil Pabilona sa tulong ni Director Agnes Mandap katuwang ang PNP Regional Office 5, DOH-Bicol at DILG-Bicol.

Ang mga bagong idineklarang drug cleared barangay ay kinabibilangan ng Brgy San Vicente sa bayan ng Claveria; Brgy Cantil, Brgy Jintotolo, Pajo at Palani naman sa bayan ng Balud habang sa bayan ng Mobo ay ang Bgy Bagacay at Balatucan.

Sinabi ng PDEA-Masbate na magpapatuloy ang kanilang mahigpit na pakikipagtulungan sa mga kinauukulang katuwang upang madagdagan ang bilang ng mga barangay na aalisin sa drug list, gayundin sa pagsasagawa ng validation at verification upang matiyak na ang drug cleared status ay mapanatili sa pamamagitan ng wastong pagpapatupad ng DDB Regulation at ang Omnibus Procedure sa pagdedeklara ng Drug Affected Barangays as Drug Cleared.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *