7 indibidwal, kabilang ang 3 Sorsoganon sugatan sa salpukan ng kotse vs tanker truck sa Camarines Sur

Sugatan ang7 katao, kabilang ang tatlong Sorsoganon sa nangyaring salpukan ng Toyota Vios at Foton tanker truck, umaga noong Martes sa Maharalika Highway, Brgy San Isidro, Baao, Camarines Sur.

Ang mga Sorsoganon na residente ng Pto Diaz ay kinilalang sina Marcelino Laure Dorado, 33-anyos; Raylan Fedilson Domagtoy, 28-anyos at Aldrin Escario Domasig, 28-anyos.

Sugatan din sina Estilito Enaje Dorado, 36-anyos ng Calamba, Laguna at Ezia De Ocampo Dia, 8-anyos; anak ng driver ng Vios na si Jay Dormitorio Dia kapwa residente ng Cavite.

Sugatan din ang driver ng tanker na nakilalang si Albert Mandia Loveres, 51-anyos, residente ng Penafrancia, Daraga, Albay.

Batay sa ulat, papunta ng Sorsogon ang Vios subalit pagdating sa nasabing lugar ay bigla nitong kinain ang kabilang linya ng tanker.

Dahil sa impact, itinapon sa labas sina Marcelino Dorado at ang 8-anyos na si Ezia, nabangga naman sa gate ng isang bahay ang tanker.

Lahat ng sugatan ay naitakbo sa pinakamalapit na ospital habang ang mga sangkot na sasakyan  ay nagkaroon ng hindi pa matiyak na halaga ng pinsala.

PHOTO: Richard Cecilio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *