7 katao arestado sa tupada sa bayan ng Capalonga, sabong isa umano sa dahilan ng pagkalat ng sakit na COVID- 19 ayon naman sa DOH

CAPALONGA CAMNORTE- Naglunsad ng anti- illegal gambling operation ang mga pulis at sundalo sa Capalonga Camarines Norte noong Linggo sa Barangay Alayao na nagresulta sa pagkaka aresto ng pito katao habang nagtutupada.

Arestado sa naturang operasyon sina Renato Florendo y Severino 67, residente ng Brgy. Dahican Jose Panganiban, Rommel Tejada y Alvarez 42, Jovet Canicula y Madera 34, Gilbert Jueves y Oliva 43, Rodel Pacuan 25, Roven Crisostomo y Galimba 33, at Ian Jake Rojo y Talento 21, pawang mga residente ng Capalonga.

Ayon sa pulisya, nahuli umano ang mga nabanggit na suspek habang nagtutupada at ang ilang kalalakihan naman ay nagsipagtakbuhan sa iba’t- ibang direksyon ng matunuguan ang pagdating ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa nabanggit na operasyon ang dalawang buhay na panabong na manok, dalawang tari at pera.

Ang mga naaresto at nakumpiskang ebedensya ay dinala sa Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Tila hindi alintana ng mga nahuli ang banta ng COVID- 19 lalo’t ilang magkakasunod na araw ay nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit sa naturang bayan.

Noon lang araw ng Linggo ay walo ang mga nagpositibo sa sakit sa Capalonga liban pa sa ilang naitalang kaso bago ang nabanggit na araw.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na isa ang sabong sa dahilan ng hawaan ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *