7 katao, huli sa sugal sa bayan ng Coron Palawan

Hinuli ng pulisya ang pitong (7) katao dahil sa pagsusugal sa Coron Public Market sa brgy. Poblacion 2, Coron Palawan sa ganap na alas-kwatro ng hapon kahapon, ika- 18 ng Hulyo.

Nasurpresa na lamang ang mga suspek nang dumating ang pulisya.Naging matagumpay ang pagkakahuli sa illegal na aktibidad sa tulong ng National Coalition Of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multiplier – Women’s Group.

Ang mga nahuli sa aktong na nagsusugal (bet game) ay kinilalang sina; Dennis Ormido Vinluan, 51 anyos, Marvin Tolentino Viola, 53 anyos,Rodelio Socito Bulanon, 27 anyos , Nicolas Dejito Paslon, 43 anyos Sonny Ediza Cervantes, 55 anyos at isang 16 anyos.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling.Kinumpiska ng pulisya ang mga nakuhang ebidensya sa kanila tulad ng mga baraha at pera na nagkakahalaga ng 784 pesos.

Samantala, ayon kay Pcpt. Ervin Plando ng Coron MPS, malaking tulong ang mga impormasyon na ipinadadala ng komunidad para masupil ang mga ganitong gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *