7 katao patay kabilang ang suspek sa mass shooting sa isang paaralan sa US

Pito katao ang patay kabilang ang suspek sa mass shooting sa isang private elementary school sa Nashville sa US.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Audrey Hale, 28 anyos at isang transgender.

Nag-iwan si Hale ng isang manifesto, may mga mapa ng paaralan na nagdedetalye ng surveillance at mga entry-exit point, bago gawin ang pamamaril.

Armado ng hindi bababa sa dalawang assault rifles at isang handgun, pumasok si Hale sa The Covenant School, isang Christian academy, mula sa isang side entrance at nagpaputok ng baril.

Kinilala ng pulisya ang anim na biktima, sinabing ang isa sa tatlong bata ay walong taong gulang at dalawa rito ay 9 na taong gulang, habang ang mga nasa hustong gulang na napatay ay nasa edad 60 hanggang 61.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *