BNFM BICOL—Kinumpirma ng kapitan sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Virac, Catanduanes na pitong mga bata ang nagpositibo sa ‘rapid antigen test’ matapos umano ng mga itong paglaruan ang mga itinambak at itinapon na medical waste sa baybaying bahagi ng nasabing lugar.
Ayon kay Barangay Chairman- Anthony Arcilla, apat na mga batang lalaki at tatlong batang babae ang minabuti nilang isailalim sa nasabing COVID-19 test matapos mapag-alaman na pinaglaruan ng mga ito ang mga gamit nang heringgilya, mga tubes na may lamang blood sample; mga gamit nang PPEs at rapid antigen test.
Matapos lumabas ang resulta na positibo ang mga ito sa nasabing pagsusuri, agad ang mga itong isinailalim sa isolation at nakatakdang isailalim sa RT-PCR confirmatory test.
Matatandaang nitong Enero 23, ay natagpuan ng mga opisyal sa naturang barangay ang mga naturang infectious waste na pinaniniwalaang itinapon ng isa sa mga laboratoryo sa Catanduanes.
Kaugnay nito, nauna na ring inihayag ng konseho ng Barangay Concepcion na kakasuhan nila ang laboratoryo salig sa RA 9003 o Solid Waste Management Act, RA 6969 o Control Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Act, at RA 856 o Sanitation Code of the Philippines.###
Dakop sa akto ang lima ka indibidwal nga nagapatigayon sang illegal gambing nga ginatawag “Cara…
Patay ang isa ka mangunguma matapos ginluthang sang wala matumod nga suspetsado sa Sitio Pari,…
Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Bucal, Sariaya,…
Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya…
Sinunog ng mga operatiba ang aabot sa P800-milyong halaga ng tuyo at tanim na marijuana…
Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa International Criminal Court Ito…