7 naglalaro ng poker, arestado sa Laguna; P32,000, nakumpiska

Arestado ang pitong mga kalalakihan matapos na maabutan ng mga otoridad na naglalaro ng sugal na poker sa ikinasang operasyon sa Brgy. Poblacion, Biñan City, Laguna, kahapon ng umaga, Enero 24, 2022.

Kinilala ng Laguna PPO ang mga suspek sa mga alyas na sina Richmar, Alfred, John Paul, Karen, Samuel, Juanito, at Carl Oscar.

Batay sa report ng Biñan City Police Station, nagkasa ang kanilang puwersa ng Anti-Illegal Gambling Operation kung saan aktong naabutan ang mga suspek na naglalaro ng poker.

Nakumpiska mula sa mga ito ang isang set ng poker chips, isang set ng baraha at taya na umaabot sa P32,000.00.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Binan CPS ang mga suspek.

Kakaharapin ng mga ito ang kasong paglabag sa PD 1602 o Philippine Gambling Laws.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *