7 OCPO personnel nagpositibo sa corona virus

Nagpositibo sa corona virus ang pitong personnel ng Olongapo City Police Office.

Ito ay kinabibilangan ng anim na pulis at isang Non-Uniformed Personnel.

Ayon kay PLTC Preston Bagangan, Deputy Director for Operations ng OCPO, ang mga ito ay mula sa Station 5 at isa sa Station 6.

Sa kabila nito, siniguro ni Bagangan na fully operational pa rin ang mga nasabing police station dahil mayroon namang augmentation.

Dahil na rin sa uri ng trabaho ng kapulisan ay hindi maiwasang tamaan ang ilan sa mga ito ng virus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *