7 panibagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte noong nakaraang linggo, healthcare utilization rate nananatiling nasa low risk

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng pitong panibagong kaso ng  COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo o mula October 2 hanggang 8.

Ang mga ito ay nagmula sa Daet na mayroong tatlo, dalawa sa Vinzons at tig isang kaso sa Basud at Capalonga.

Dahil dito umaabot na sa 4, 392 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa probinsiya mula March 2020.

Sa bilang na ito 3, 978 ang nakarekober o 90. 57 percent habang 254 naman ang nasawi o 5. 78 percent.

Nananatili namang nasa low risk ang healthcare utilization sa probinsiya.

Batay sa healthcare utilization rate report ng Department of Health as of October 9, nakapaglaan ng 131 Covid- 19 beds ang probinsiya at 15 dito ang gamait o katumbas ng 11. 5 percent habang wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilators.

Patuloy pa rin ang paalala ng ahensiya sa publiko na gawin ang kinakailangang pag iingat para makaiwas sa sakit sa gitna ng tila kawalan na ng ipinapatupad n restrictions.

Pinapaalalahanan din ang publiko lalo na ang mga wala pang bakuna na magpabakuna na at magpa booster ang mga pwede nang tumanggap nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *