Patay ang 7 pulis habang 20 ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Purok 11 Poblacion Barangay Maputi, Naawan, Misamis Oriental.
Ayon kay Naawan Municipal Police Station, Chief of Police, Police Major Reynante Labio, patungong Iligan City ang direksyon ng isang wing van at dalawang hi-ace van na may mga pasaherong mga pulis mula pa sa Regional Training Center.
Nag-overtake anya ang dalawang hi-ace van nang biglang pumutok ang gulong ng wing van dahilan sa pagka-rambola ng mga nabanggit na sasakyan.
Kaagad dinala sa bahay pagamutan sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro ang mga biktima nito.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing aksidente, habang binisita narin ni Police Regional Office 10 Regional Director Police Brigadier General Lawrence Coop ang mga biktimang pulis.