7 tindahan sa Goa Public Market nasunog; pinsala umabot sa mahigit P1 milyon

NAGA CITY- Nilamon ng lumalagablab na apoy ang pitong tindahan sa Goa Public Market pasado alas-6 Sabado ng gabi Feb. 18, 2023 sa gitna ito ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Matapos ang insidente tumambad ang mga nasunog na gamit sa negosyo at mga paninda.

Sa panayam ng Brigada kay FO1 Mari Peñafrancia Cortes, Public Information ng Bureau of Fire Protection Goa, umabot ng mahigit isang milyong piso ang iniwang danyos ng sunog, ito’y dahil sa pagka-antala sa pagputol ng linya ng kuryente ng CASURECO IV dahil may nirespondehan din ang mga personahe kung kaya naging pahirapan ang pag-apula sa apoy, luma na ang ibang tindahan at gawa sa light materials. Pero compliant naman sa mga hinihingi ng BFP.

Sa ngayon hindi pa pormal na matukoy ng BFP ang sanhi ng sunog dahil nagpapatuloy ang imbestigasyon at kumukuha lahat ng statement ng mga store owners at saksi.

Samantala, nagpapasalamat naman ang BFP sa mga residente na nagtulong-tulong sa pag-apula sa sunog.

Wala namang naireport na nasugatan sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *