Nasa 70 miyembro ng Masbate Police Provinciall Office (PPO) na may kamag-anak na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ang inilipat na ng puwesto.
Ayon sa tagapagsalita ng PRO5 na si Maj Malu Calubaquib, inaasahan na umano ito ng mga pulis na marere-asign sila sa ibang lugar upang maiwasan na masangkot sa anumang partisan politics.
Nilinaw naman ng PNP na ang re-assignments ng mga pulis ay pansamantala lamang upang maiwasan ang anumang impluwensya sa mga botante na maaaring maging sanhi ng anumang harassment.
Nabatid na hindi lamang mga kamag-anak ng mga tatakbo sa BSKE ang inilipat ng puwesto kundi ang mga kilalang pulis na malapit sa mga kandidato.
Sakop ng regulasyon ng PNP ang hanggang 4th degree ng kamag-anak na kandidato.
