LEGAZPI CITY – Hindi pa umano naaabot sa ngayon ang vaccination target coverage rate na 70% sa bayan ng Santo Domingo, Albay.
Ito ang kinumpirma ng Municipal Health Office Public Nurse, Lorraine Amador, sa Brigada News FM Legazpi. Sa panayam sa kanya, 86% pa lamang umano ang naaabot sa nasabing bayan.
Aniya, ngayong taon ay bumagal ang daloy ng bakunahan o hindi na gaanong marami ang mga nagpapabakuna laban sa sakit na COVID-19.
Marahil, ito ay dahil sa hindi na gaanong mahigpit ang lugar pagdating sa mga health protocols.
Ayon kay Amador, nabibigyan na lamang sila ng bakuna kung ito nire-require halimbawa sa mga paaralan o sa kung saan mang pasilidad sila pumupunta.
Dahil dito, hindi naman sila tumitigil sa paghihikayat sa mga tao sa kanilang bayan na magpabakuna at magpa-booster shot lalo pa’t ngayon ay dumarami na naman ang mga kaso ng COVID-19.