7,255 new COVID-19 cases; Total tally, 1,062,225 na

Sumipa pa ang kabuoang bilang ng COVID-19 infections 1,062,225, matapos kumpirmahin ng Department of Health ang 7,255 bagong kaso.

Hindi naman kasama sa bilang ang mga datos mula sa 15 laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang report on time.

Dahil dito, tumaas rin ang bilang ng active cases sa bansa sa 69,466, kung saan 94.7% ang mild, 1.8% ang asymptomatic, 1.1 ang nasa kritikal na kondisyon at 1.4% ang severe condition.

Samantala, umakyat rin ang kabuoang bilang ng recoveries sa 975,234, matapos na gumaling mula sa respiratory illness ang 9,214 pang pasyente, habang ang death toll ay tumaas sa 17,525, matapos maitala ang 94 na bagong fatalities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *