74 anti-government protesters sa Cuba, sinentensiyahan ng 18 years imprisonment

Sinentensiyahan ng korte sa Cuba ang ilan pang 74 anti-government protesters ng 18 taon na pagkakakulong.

Ayon sa prosecutor’s office, inatake umano ng naturang mga raliyista ang kanilang constitutional order at stability ng socialist state nito.

Matatandaang isinagawa ang mass protests sa nasabing bansa noong July 11 hanggang 12 2021 taon dahil sa kakulangan sa pagkain at gamot.

Samantala, inakusahan naman ng gobyerno ng Cuba ang Estados Unidos kung saan sila umano ang utak sa nangyaring rally doon. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.