77 volunteer teachers, pumirma ng kontrata sa ilalim ng GPP Program

Pumirma sa isinagawang Contract Signing sa ilalim ng Gurong Pangsuporta ng Probinsya o GPP Program ng Pamahalaang Panlalawigan ang nasa 77 na mga volunteer teachers.

Ang nasabing mga volunteer teachers ay kinuha base na rin sa kanilang ranking kung saan ang kapitolyo ang magpapasahod sa mga ito.

Ang GPP ay paraan ng Provincial Government upang matugunan ang problema sa kakulangan sa mga guro sa lalawigan.

Pinasalamatan naman ni DepEd Sorsogon Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillio ang Gobernador sa nasabing inisyatiba kung saan malaking tulong umano ito upang mapunuan ang kakulangan ng mga titser sa Sorsogon.

Samantala, hangad naman ng Gobernador na sakaling magkaroon na ng mga bakanteng puwesto sa Department of Education-Division of Sorsogon ay mabigyang prayoridad ang nasabing mga volunteer teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *