KORONADAL CITY- UMABOT sa 773 na mga pasyente ang naserbisyuhan ng provincial government ng South Cotabato at naka-avail ng Free Patient Transport Services noong nakaraang taon.
Ito ay batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa pamumuno ni OIC Rolly Doane Aquino.
Ang naturang programa ay nagbibigay ng libreng transportasyon sa pagbiyahe, pagsundo at paghahatid sa mga pasyente papunta sa mga ospital o pauwi sa kanilang bahay.
Napag-alaman na 24 oras ang operasyon nito at walang pinipiling oras at panahon.
Sa mga gustong mag-avail ng Free Patient Transport Services, tumawag lamang sa PDRRMO South Cotabato hotline numbers 09275426430 sa Globe at 09691915810 sa mag Smart subscribers.
