78 katao sa 3 mga lalawigan sa Bicol, nakatanggap na ng grant mula sa sustainable livelihood program ng DSWD

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy sa pamamahagi ng livelihood grants ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan kabilang dito ang 78 na mga inidibidwal mula sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Masbate, at Albay na kalahok sa nasabing programa.

Ayon sa DSWD, ang payout na ito ay para sa kanilang mga kabuhayan.

Aabot sa mahigit PHP 1.16M na ang naipamhagi ng SLP nang magsimula ang pagbibigay ng grants.

Ang SLP ay isang capability-building program ng DSWD na may layuning mapabuti ang kakayahan ng mga mahihirap upang sila’y umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagbigay ng angkop na tulong na makasisigurong ang kabuhayan na mayroon sila ay magiging at mananatiling matagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *