78 na mga PDL sa BJMP Naga City, nakatakdang bumoto sa bske 2023

NAGA CITY- Nasa piitan man hindi dapat na maputol ang karapatan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na maging parte ng pagpili ng mga magsisilbi sa kanilang barangay.

Sa Bureau of Jail Management and Penology  (BJMP) Naga District 65 na mga lalaking PDL ang kwalipikadong buboto habang 13 naman sa mga babae.  Ang mga ito ay rehistrado at nagparehistro na sa Del Rosario.

Iyan ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni JCINSP Jerome Gerero, Officer in Charge ng Naga City District Jail. Aniya ang mga kandidato ng Barangay Del Rosario ay kailangang nakakuha ng permit upang mangampanya sa loob o ‘di kaya ay virtual.

Mayroong inihandang special polling precints . Nagkaroon na ng dry run para sa botohan; mga dapat at hindi dapat gawin. Ang special electroal board na rin ang mag-aassist sa mga PDL.

Ang BJMP ay mayroong mahigit 360 na mga residente, karamihan sa mga kaso ay may koneksyon sa illegal drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *