78 Pilipino seafarer, tumangging maglayag sa Red Sea at Gulf Alden – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers na nasa 78 Filipino seafarer ang tumanggi na maglayag sa mga high-risk area at warlike zone tulad ng Red Sea at Gulf of Aden.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, mababang bilang na ito dahil maraming Filipino seafarer ang handang tumulak sa mga mapanganib na lugar kahit pa may banta ng pag-atake mula sa ng grupong Houthi.

Sa kabila nito, sinabi niya na kinikilala pa rin ng DMW ang kalayaang mag-navigate sa panig ng mga marino at may-ari ng barko.

Nauna nang naglabas ang DMW ng mga alituntunin para sa mga licensed manning agencies (LMAs) na dapat obserbahan kung sakaling italaga ang mga Filipino seafarer sa mga barkong dadaan sa mga lugar na may mataas na peligro at may conflict.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *