79-anyos na lola, patay matapos mabangga at magulungan ng dump truck sa Lucena City

Patay ang isang senior citizen makaraang mabangga at magulungan ng dump truck sa isang pedestrian lane sa kahabaan ng Old Maharlika Highway, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Marso 7.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rebecca Sagadsad, 79-anyos, residente ng Purok IIIB, Barangay Dalahican ng nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, tumatawid umano noon ang biktima nang mabundol ito ng unahang bahagi ng dump truck na minamaneho ni Danie Ondovilla, 49-anyos.

Nahulog sa kalsada ang biktima kung saan ay nagulungan pa ito ng gulong sa likuran ng naturang truck.

Kaugnay nito, nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo, at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa pagkasawi nito.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang driver ng truck habang inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *