8-anyos na bata, nalunod sa Pasacao, Camarines Sur; isa naman naisalba sa Sagñay

CAMARINES SUR- Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang 8-anyos na batang residente ng Pasacao, Camarines Sur matapos na malunod nitong Easter Sunday.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng BNFM Naga pasado ala-una nang hapon nang makita ang biktimang si Rommel Bagadiong ng San Cirilo, Pasacao sa sakop ng Barangay Balogo na wala nang malay sa dagat.

May nakapag Cardiopulmonary resuscitation at Bag-Valve-Mask Ventilation pero hindi na humihinga, dinala sa ospital sa Naga ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Samantala sa Sagñay, naisalba ang batang lalaki na hindi na nabanggit kung ilang taong gulang matapos na muntikan nang malunod  sa Atulayan Island.

Nirespondehan ito ng LDRRMO personnel, Bantay Dagat Sagñay, Philippine Coast Guard Auxillary 907th Flotilla Squadron kasama ang isang  kongresista na nagkataon na nasa lugar.

Bago ang mga ito naka Red Alert Status ang lalawigan simula Abril 2, nagpalabas din ng memorandum si Governor Luigi Villafuerte ng pagpapalala sa pagsunod sa  “Guidelines for Safety and Security Requirements of Coastal and Beach Resorts and Vessels with Pool Facilities, including Qualifications and Requirements of Lifeguards for the Promotion of Life at Sea.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *