8 bagong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, nailista ng DOH6

Nailista ng Department of Health 6 ang walo (8 ) bagong kaso ng COVID-19  sa Western Visayas kahapon, May 23.

Sa datos, lima (5) ang mula sa Iloilo province; dalawa (2) sa Negros Occidental; at isa (1) sa Bacolod City.

Wala namang new cases sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo City.

Tatlo (3) ka new recoveries at 10 bagong namatay sa rehiyon.

Sa kabuuan, umaabot  sa 183, 725 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan, umaabot sa 777 ang aktibong kaso; 177, 083 ang naka recover; at 5, 764 ang namatay.

Samantala, patuloy parin ang paalala ng DOH6 sa publiko na huwag kalimutang mag pa booster shot matapos ang 1st at 2nd dose ng vaccination.//MARIVIC Y. ILIN

Leave a Reply

Your email address will not be published.