8 inches na bomba nadiskubre sa loob ng tiyan ng isang 3 feet na pusit sa isang palengke sa China  

NADISKUBRE  ng isang tindero ng isda  sa isang palengke sa China ang kakaibang pusit na hindi pangkaraniwan ang bukol sa tiyan, nang hiwain niya ito binalot ng takot ang mga mamimili dahil  isang 8 inches na bomba pala ang nasa loob nito.

Ayon sa ulat, ang pusit ay nahuli umano sa karagatang sakop ng Guangdong province, saka ito dinala at ipinagbili sa palengke ng Jiaoling kung saan si Mr. Huang isang mag-iisda ang nakapakyaw ng mga ito.

Hindi makapaniwala si Mr. Huang sa nakita niyang bomba, nagtaka siya kung bakit biglang nagkaroon ng bomba sa loob ng tiyan ng isang pusit, ang teorya naman  nila, nakain umano  ng pusit ang bomba na maaring ibinagsak ng isang military plane.

Samantala ang naturang bomba ay agad namang nirespondehan ng isang bomb disposal expert at pinasabog ito sa isang lugar na walang maapektuhan at masasaktan.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *