8% inflation rate – ‘out of control’ – Pangulong Bongbong Marcos

Siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos na sinosolusyunan na ng kanyang pamahalaan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ito ay makaraang iulat ng Philippine Statstics Authority na sumipa pa sa 8% ang headline inflation ng bansa nitong Nobyembre – mas mataas pa sa 14-year-record-high na 7.7% inflation noong Oktubre.

Sa pagharap ng Pangulo sa ika-11 Arangkada Philippines Forum, sinabi ni Marcos na tinutukoy na nila ang mga areas sa ating ekonomiya na nagiging pangunahing sanhi ng mabilis na inflation.

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy pa rin sa pagrekober ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa mga negative impact ng COVID-19 pandemic.

Naniniwala rin ang Pangulo na ‘on-track’ pa rin ang pamahalaan para mapanatili ang matatag na economic performance para makamit ang tina-target na 6.5% to 7.5% economic growth sa 2022.
#

NEDA naman, tiniyak na tinutugunan ang mga sektor na maaapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin

Nangako ang National Economic Development Authority o NEDA na mayroon itong mga nakalatag na solusyon para maibsan ang impact ng inflation.

Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na tuloy pa rin ang mga programa ng administrasyon para maibsan ang epekto ng pagsiri sa pagtaas ng mga bilihin.

Kabilang na aniya rito ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga target subsidies para sa mga vulnerable sector at mga low-income earners.

Ipinangako umano ng pamahalaan na magtutuluy-tuloy pa ang ilang mga programa kagaya na lamang ng targeted cash transfer o TCT program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang mga ayuda projects.

Palalawigin din aniya ang mga KADIWA ng Pasko caravans nang sa gayon ay mas marami pa ang magkakaroon ng access sa murang mga produkto.
#

Mga programa laban sa tumaas na inflation rate, prayoridad ng gobyerno para sa vulnerable sectors

Nagsagawa ng mga hakbang ang gobyerno upang bawasan ang lumalalang epekto ng inflation sa vulnerable sectors.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ipinatutupad na ng gobyerno ang “monetary and fiscal measures in careful balance” upang kontrolin ang inflation nang hindi maaapektuhan ang economic growth ng bansa.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na nagbigay na ng tulong ang gobyerno sa vulnerable sectors, at pinalalakas din nito ang domestic food production at pagpapanatili ng importation.

Aniya, sinisiguro rin ng pamahalaan ang sapat na power supply at daloy ng pagkain sa bawat rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *