8 katao arestado matapos ang Ramadan food stampede

Walo katao ang inaresto ng pulisya sa Pakistan matapos ang nangyaring stampede na ikinamatay ng 12 indibidwal sa isang Ramadan food at cash distribution sa isang factory sa bansa.

Ayon sa paunang ulat mula sa pulisya, siyam na babae, nasa pagitan ng 40 at 80, at tatlong bata, nasa pagitan ng 10 at 15, ang namatay sa insidente.

Sinabi ng pulisya na kasama sa walong inaresto ang manager ng pabrika, na hindi nagsabi sa mga lokal na awtoridad tungkol sa pagbibigay ng pagkain sa Ramadan.

Naglabas ng kautusan ang pulisya na dapat ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang sinumang tao o organisasyon na nagpaplanong mamigay ng pagkain o iba pang bagay sa mga mahihirap sa panahon ng Ramadan upang maiwasan ang katulad na insidente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *