8-million vaccinations kada buwan, target na magawa ng gobyerno

Target ng gobyerno na mapataas sa 8-million vaccinations kada buwan ang bilang ng mga tao na nagpapabakuna.

Layon nito na mapaigting ang efforts para sa pagkamit sa “population protection.”

Dahil naman sa tuloy-tuloy na pagdating ng COVID-19 vaccine shipments nitong nakaraang mga linggo ay matagumpay ang bansa na mabakunahan ang 5-milyong pasyente kada buwan.

Base sa ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez ay inaasahan nito na darating sa June 29 ang karagdagang 99,600 doses ng Moderna vaccine, matapos dumating ang initial 249,600 doses nito noong June 27.

Matatandaan na sinabi ng OCTA Research Group na posibleng marating ng National Capital Region at ng mga kalapit na probinsya na makamit ang herd immunity pagsapit ng Pasko kung ang pagbabasehan nila ay ang kasalukuyang rollout ng vaccination program.

Gayunman, kailangan ay tiyakin ng Pilipinas na hindi ito magkakaroon ng community transmission ng Delta variant na unang na-detect sa India.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *