8 months old, nataga ng lasing na tatay

Kulong ang isang Padre de Pamilya matapos nitong mataga ang walong buwang gulang na anak sa tinitirhan sa Purok Maligaya Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City.

Ayon sa kaanak sa panayam ng Brigada, nitong Martes, June 21, 2022 nang umuwi ang suspek na si Saturnino Bugtong galing sa trabaho ay bitbit nito ang itak na ginagamit sa trabaho (pagtatabas).

Habang bitbit ng kanyang ina ang babaeng pamangkin ay tinatakot  umano nito ang mag-ina habang idinidikit ang patalim pero nang dumipensa ang ina ay tinamaan ng itak ang bibig ng kanilang anak.

Isinugod sa Luzviminda Satellite Clinic ang biktima habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na tinangka pa umanong tumakas pero labis- labis raw ang pagsisisi ngayon.

Samantala, nananawagan ang tiyahin ng biktima ng tulong sa publiko dahil sa hirap ng buhay at pagsubok ngayon na kinakaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *